^

Bansa

3 Pinay ginawang prosti sa Malaysia, nasagip

-

MANILA, Philippines - Tatlong Pinay na gina­wang prostitutes sa Malaysia ang nasagip ng OFW Helpline ni Senador Manny Villar.

Sina Grace, Evelyn at Rhea (hindi nila tunay na pangalan), pawang 29-an­yos, ay nakabalik na sa bansa noong Pebrero 21 at agad nakipagkita kay Villar para magpasalamat sa naitulong sa kanila ng OFW Helpline.

Sinagip sila ng mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur at ng mga awtoridad ng Malaysia buhat sa isang prostitution den sa Kuching kung saan sila ikinulong. 

Ayon kay Villar, hini­ - ling ng OFW Helpline 09174226800 ang tulong ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur upang ma­iligtas si Grace, tubong Caba­natuan na pinuwer­sang gumamit ng illegal na gamot at minaltrato sa Malaysia.

Si Grace ay naging mang-aawit sa Japan at inalok ng isang recruiter sa Cabanatuan na magtra­baho sa Malaysia bilang mag-aawit din sa swel­dong P250 bawat oras. Sa pagsagip kay Grace ay nasagip din sina Evelyn mula sa Pangasinan at Rhea ng Antipolo.

Ayon kay Grace, pinu­wersa siyang gumamit ng cocaine at marijuana ha­bang inaaliw ang mga customer na nagamit din ng bawal na gamot. Binan­taan siya ng nagmamay-ari ng prostitution den na hindi pasusuwelduhin at hindi pakakainin kapag hindi siya sumunod.

Ipinahayag ni Villar ang matinding pagkadismaya sa patuloy na operasyon ng mga human trafficker sa bansa sa kabila ng pag­sasabatas ng RA 9283 o Anti-Trafficking in Persons Act.

Ang OFW Helpline, simula nang ilunsad noong Mayo 2008, ay nakatulong na sa paglilikas ng may 4000 OFWs. (Ellen Fernando)

AYON

ELLEN FERNANDO

EVELYN

HELPLINE

KUALA LUMPUR

PERSONS ACT

PHILIPPINE EMBASSY

SENADOR MANNY VILLAR

SHY

SI GRACE

SINA GRACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with