Lahat ibinintang sa akin, pati pagiging bakla - Ping
MANILA, Philippines - Inilabas kahapon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang kanyang himutok sa kasa lukuyang administrasyon dahil lahat na lamang ng kasinungalingan ay ibinintang umano sa kanya mula sa money laundering, ilegal na droga, kidnapping, at ang pagiging bading.
Sinabi ni Lacson sa kanyang talumpati sa Phaltra National Conference and Seminar sa Manila Hotel na, sa nakaraang walong taon simula nang maupo sa puwesto si Pangulong Gloria Arroyo, naging tampulan na siya ng walang humpay na paninira.
Hininala ni Lacson na ang kanyang patuloy na krusada sa korupsiyon ang dahilan kung bakit ayaw siyang tigilan ng administrasyong Arroyo.
Inisa-isa ni Lacson ang mga kinasangkutang kontrobersiya ng administrasyong Arroyo katulad ng jueteng, IMPSA deal, Telecom scam, Jose Pidal controversy, Fertilizer fund scam, at ang pinakahuli ay ang sabwatan at suhulan sa bidding sa mga proyektong pinopondohan ng World Bank.
Tiniyak ni Lacson na hindi niya ititigil ang krusada laban sa katiwalian na si nimulan umano niya noong hepe pa siya ng PNP.
Muli niyang iginiit na wala siyang kinalaman sa Dacer-Corbito murder case katulad ng gustong palabasin ng administrasyong Arroyo. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending