Parad buhay pa, nagbantang pupugutan ang ICRC hostage

MANILA, Philippines - Binalaan ni Abu Say­yaf Commander Albader Pa­rad ang tropa ng militar na pupugutan ng ulo ang isa sa mga miyembro ng International Committeee of the Red Cross (ICRC) kapag sinugod ng huli ang kani­lang kasaluku­yang kuta sa Sulu.

Ang pahayag ay gina­wa ni Parad matapos na pabulaanan nito na siya ay napatay ng tropa ng Phil­lippine Marines sa Inda­nan, Sulu kasunod ang pagbabanta kahapon da­kong alas-5 ng hapon na pupugutan ang isa sa mga ICRC members na kinabi­bilangan nina Swiss national Andreas Notter, Italian Eugenio Vagni at ang Pinay Engineer na si Marie Jean Lacaba, na una ng dinukot noong Enero 15.

Sa ngayon ay nasa maayos na kalagayan pa rin ang mga nasabing hostages. Una ng naiulat na namatay si Parad ng ma­ubusan ng dugo ha­bang tatlong sundalo naman ang nalagas sa pwersa ng militar.

Nangako naman ang AFP na gagawin ang la­hat upang mailigtas nang bu­hay ang mga bihag.

Samantala, duda na­man ang militar na buhay si Parad dahil ang tunay na Parad ay di marunong mag-Tagalog dahil isa itong Tausog bukod pa sa walang cellsite sa Inda­nan, Sulu.

Ayon kay AFP-Public Information Office Chief Lt. Col. Ernesto Torres Jr., po­sibleng hindi ang to­toong Parad ang nakapa­nayam at nais lamang ng Abu Sayyaf na palitawing buo pa ang kanilang pu­wersa kaya may lumulu­tang na nagpapanggap sa kata­uhan ng kanilang lider. (Joy Cantos)

Show comments