^

Bansa

Airport manager sinibak!

-

MANILA, Philippines - Sinibak sa puwesto ang area manager ng Legaspi Airport matapos umanong gawing “training ground” ng kanyang anak na lalaki ang runway para sa kanyang nobya na nag-aaral mag­maneho ng sasakyan sanhi upang muntik nang bu­mangga ang isang papa-landing na eroplano ng Cebu Pacific nitong Sa­bado. 

Iniutos ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) director general Ruben Ciron na alisin si Frisco Sto. Domingo bilang area manager ng Legaspi Airport na ngayon ay naka-official leave.

Pinag-aaralan naman ng CAAP ang pagsa­sam­pa ng kaso laban sa anak nitong si Frisco Sto. Do­mingo Jr. 

Base sa report, nitong Sabado, napilitang i-abort ng piloto ang pa-landing na sanang Cebu Pacific flight CEB-172 sa Legaspi Airport na nagmula pa sa Mactan International Airport sa Cebu dakong alas-2:10 ng hapon nang bu­mara at humarang umano sa runway ang Delica lite ace van ng nakababatang Sto. Domingo.

Kasalukuyang tinutu­ruan umano ni Sto. Do­mingo Jr. ang kanyang nobya sa pagda-drive sa runway gamit ang natu­rang van at hindi napansin ang pababa nang ero­plano.

Bago ang landing ng nasabing eroplano, pina­gana ng control tower ng Legaspi airport ang si­rena nito bilang hudyat at babala para sa mga si­bilyan o mga sasakyan sa tarmac na may pa-landing na eropla­no at kaila­ngang ma-clear ng lugar.

Idinahilan ni Sto. Do­mingo Jr na hindi niya na­rinig ang tunog ng sirena at sa paparating na ero­plano. (Ellen Fernando)

CEBU PACIFIC

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES

DOMINGO

ELLEN FERNANDO

FRISCO STO

LEGASPI AIRPORT

MACTAN INTERNATIONAL AIRPORT

RUBEN CIRON

SHY

STO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with