Presyo ng tinapay bababa ulit
MANILA, Philippines - Muli na namang magro-rollback ang presyo ng tinapay ngayong linggo dahil sa patuloy na pagbagsak ng presyo ng harina.
Ayon sa Philippine Baking Industry Group Inc., bababa sa P1.00 ang presyo ng loaf bread habang 50 sentimos naman sa kada balot ng 10 pirasong pandesal.
Ang rollback sa presyo ng mga tinapay ay dahil na rin sa pag-alis ng pamahalaan sa taripang ipinapataw sa pang-angkat ng trigo na nagresulta naman sa pagbagsak sa presyo ng harina.
Umaabot na ngayon sa P790 hanggang P835 ang presyo ng harina kada bag. (Angie dela Cruz/Rose Tesoro)
- Latest
- Trending