^

Bansa

Nicole nasa US na

-

MANILA, Philippines - Nakalabas na sa Pilipi­ nas at maninirahan na sa United States si “Nicole,” ang Pinay na ginahasa ng sundalong Amerikanong si Lance Corporal Daniel Smith sa Subic, Zambales noong 2005.

Ito ang kinumpirma ng dating abogado ni Nicole na si Evalyn Ursua na nag­sabing dalawang Linggo nang nasa Amerika ang una.

Nabatid na isang liham ang iniwan ni Nicole na nagsasabing inuurong na niya ang demanda niya laban kay Smith at pinu­putol na niya ang serbisyo sa kanya ni Ursua.

Kinukumpirma ng Bureau of Immigration habang isinusulat ito kung nakala­bas na nga ng bansa si Nicole.

Sinabi ni Ursua na pi­nagbasihan niya ng kan­yang pahayag ang sinabi sa kanya ng ina ni Nicole at ng liham sa kanya nito.

Nakasaad sa liham ni Nicole ang kanyang pasa­salamat sa ibinigay na serbisyo ni Ursua subalit ipinahayag na tinatanggal na rin ang kanyang ser­bisyo bilang abogado nito dahil ayaw na niyang ma­abala pa.

Ayon sa ina ni Nicole, mananatili na sa US ang kanyang anak dahil pagod na rin ito sa pakikipag­ laban at naniniwalang wala nang hustisya pa sa Pilipinas.

Malaki naman ang paniwala ng ilang militante na tila ‘naareglo’ na si Ni­ cole na inuugnay sa usapin sa Visiting Forces Agreement ng Pilipinas at US na pilit na ipinababasura nga­yon dahil sa nasabing rape case.

Naging mainit ang usa­pin sa VFA dahil sa kung sino ang may karapatan sa kustodya ni Smith at sa mga sundalong nahahatu­lan sa mababang korte.

Nakabimbin pa sa Court of Appeals ang na­turang kaso dahil sa pag­hahabol ni Smith maka­raang masentensyahan ng Makati Regional Trial Court.

Kaugnay nito, sinabi ni Justice Secretary Raul Gonzalez na “plastik” si Nicole dahil hindi totoo ang galit nito kay Smith.

Nilinaw ng kalihim na wala nang epekto ang pag-atras ni Nicole sa kaso dahil sa nadesisyunan na ito ng Hukuman at pinagsisilbihan ni Smith ang sentensyta at nakabinbin pa ang petisyon ng akusado sa CA.

Nagsisi naman ang Kalihim kung bakit hindi niya sinunod ang nais pa noon ni NIcole na alisin ang “meaty part” sa kanyang testimonya kabilang dito ang panggagahasa sa kanya ni Smith at umatras na siya sa kaso.

Kung alam lang ni Gon­zalez na ganito rin ang ma­giging hakbang ni NIicole ay dapat sinunod na niya ang nais ng biktima upang hindi na nakaladlad pa sa eskandalo ang Pilipinas. (Ellen Fernando at Gemma Amargo-Garcia)

BUREAU OF IMMIGRATION

COURT OF APPEALS

DAHIL

ELLEN FERNANDO

EVALYN URSUA

GEMMA AMARGO-GARCIA

NICOLE

PILIPINAS

SHY

URSUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with