^

Bansa

'Hot lumber' ipupuslit pa-Taiwan naharang ng PASG

-

MANILA, Philippines - Naaresto ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ang isang truck driver at 3 iba pa habang lulan ang isang truck ng illegally cut lumber na para sa shipment sa Taiwan kamakailan sa Atimonan, Quezon.

Ayon kay PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr., ang mga na­aresto ay sina Teodoro Bacsa, Zaldy Aguinaldo, Joe Anthony Augusto at Romeo Landicho.

Sinabi ni Usec. Villar, nagsasagawa sana ng inspeksyon ang PASG sa isang bodega sa Taya­bas, Quezon ng may­roong mag-tip na ang isang truck na dadaan sa Atimonan highway ay mayroong lulan na hot lumber at palulusutin patungong Taiwan.

Kaagad hinarang ng mga PASG at PNP ang truck na may plakang TYN-194 na minamaneho ni Basca at nang sitahin nila ay tinangka pa silang suhulan.

Nabigo ang driver ng truck na magpakita ng kaukulang papeles ng lulan nitong mga troso.

Nang siyasatin ang truck ay natuklasan na naglalaman ito ng Yakal, Antipolo at Red/White Lawaan na may kabu­uang bilang na 1,295 pieces gayung 697 la­mang ang ibinibigay na permit ng DENR.

Magugunita na ipi­nagbawal pansamantala ni Pangulong Arroyo ang pagputol ng mga puno sa mountain areas dahil na rin sa naranasang flash flood ng lalawigan ng Quezon at Aurora. (Rudy Andal)

ATIMONAN

JOE ANTHONY AUGUSTO

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

QUEZON

ROMEO LANDICHO

RUDY ANDAL

TEODORO BACSA

UNDERSECRETARY ANTONIO VILLAR JR.

WHITE LAWAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with