^

Bansa

Sagot ng Caloocan government: Publiko pinaiikot lang ng Gotesco

-

MANILA, Philippines - Pinaiikot at niloloko lamang ang publiko ng Gotesco Investments Inc. (GII) dahil pawang haka-ha­ ka at imbento ang pi­nagsasabi nito hinggil sa tunay na nangyari sa usa­pin kung bakit naglabas ang korte ng “writ of possession” pabor sa Caloo­can City government.

Kasabay nito, hinamon ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri na patunayan ng tagapag­salita ng Gotesco Investments Inc. (GII) ang sinabi nitong ginawang panloloko ng city government sa pamunuan ng GII na dating may-ari ng Ever Gotesco Grand Central dahil hang­gang ngayon ay wala itong maipakitang papel o doku­mento na magpapatunay na totoo ang kanilang sinasabing akusasyon at maging sa sinasabi nilang binayaran sa city hall.

“Ibang klaseng negos­yante ang mga may-ari ng Gotesco, ang gusto nila puro kita o profit pero ayaw nilang magbayad ng kauku­lang buwis o obligasyon sa gobyerno,” ani Echiverri.

Ayon pa sa alkalde, walang katotohanan ang mga sinabi ng tagapag­salita ng GII dahil puro gawa-gawa at imbento lamang nina Attys. Argee Guevarra at Trixie Angeles ang mga binitiwang paha­yag ng dalawa.

Sinabi rin ng alkalde na ang tunay na isyu sa kaganapang ito ay ang hindi pagbabayad ng real property tax ng pamunuan ng GII sa Grand Central na naging ugat para mapatal­sik sila sa naturang property.

“Magkaiba ang utang nila sa lupa hinggil sa bili­han ng naturang pag-aari na sinasabi nilang binaya­ran nila ng P30 milyon at magkaiba rin ang utang nila sa real property tax na umabot sa P722.3 milyon da­hil sa hindi nila pagba­bayad ng 23 taon,”ani Echiverri.

Pinasinungalingan din ni Echiverri ang akusasyon na nagbigay ng sako-sa­kong pera ang pamunuan ng GII sa opisyal ng city hall dahil base sa kuwento ng mga tagapagsalita ng Grand Central ay nalaglag pa raw ang ibang pera sa elevator samantalang wala namang gumaganang elevator ang city hall mag­mula noong maupo ang alkalde.

Idinagdag din ni Echi­ verri na tao ang panalo sa pagkakakuha ng Caloocan sa Grand Central dahil magiging katumbas nito ang mga proyekto sa lung­sod. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ARGEE GUEVARRA

ATTYS

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

EVER GOTESCO GRAND CENTRAL

GOTESCO INVESTMENTS INC

GRAND CENTRAL

LORDETH BONILLA

SHY

TRIXIE ANGELES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with