^

Bansa

Gobyerno nakipagsabwatan sa kalabang mall ng GOTESCO

-

MANILA, Philippines - Pumalag kahapon ang korporasyong namama­ lakad sa GOTESCO at inakusahan ang gobyerno na nakikipagsabwatan sa kalaban nilang mall na naging dahilan para sam­samin ng pamahalaang lokal ang kontrobersyal na GOTESCO Grand Central Mall sa Caloocan City.

Ayon kay Atty. Trixie Angeles, tagapagsalita ng Gotesco, kinuha ng pama­halaang-lokal ng Caloocan ang kanilang mall para pa­boran ang Victory Mall na pag-aari ng alkalde ng lun­sod na si Recom Echiverri.

Sinabi ni Angeles na marami sa mga residente ng Caloocan ang nanini­wala na ‘business rivalry’ ang isa sa mga dahilan sa tangka ng pamahalaang lokal na samsamin ang Gotesco mall.

Idinagdag niya na ang Victory Mall ang makikina­bang sa pagsara o pagka­balam ng operasyon ng Gotesco.

Pinabulaanan ni Angeles ang akusasyon ng pamahalaang lokal na may utang na P722.3 milyong real property tax ang kani­lang mall.

Iginiit ni Angeles na nakuha ng Gotesco ang titulo sa loteng pinagtayuan ng mall noong Sept. 19, 2008. Dahil dito ay walang karapatang legal ang Ca­loocan na patawan ang Gotesco ng real property taxes sa huling 23 taon na aabot sa P722.3 million na gustong masingil ng Ca­loocan.

Sinabi ng Gotesco na umuupa lamang ito sa Caloocan sa naturang lote hanggang sa ito’y tuluyan nang ipagbili noong September sa Gotesco. Ang bilihan ay na-finalized sa isang memorandum of agreement (MOA) sa pagi­tan ng Gotesco at Caloo­can, at ang presyo ay itinali sa P182,085,078. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

GOTESCO

GRAND CENTRAL MALL

LUDY BERMUDO

MALL

RECOM ECHIVERRI

SHY

SINABI

VICTORY MALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with