^

Bansa

Gotesco umapela sa SC

-

MANILA, Philippines - Pormal na hiniling ni Gotesco Investment Inc. (GGI) President Jose Go ang maagap na pag-aksyon ni Supreme Court (SC) Chief Justice Rey­nato S. Puno sa kaso ng Ever Gotesco Grand Cen­tral Mall at Caloocan City government.

Sa kanyang liham sa SC chief, iginiit ni Go na maiha­halintulad sa isang bomba na maaaring su­ma­bog anumang oras ang sitwasyon sa nasabing shopping mall lalo’t may impormasyon silang na­ka­lap na deter­ minado umano ang Caloocan City Government na kunin ang pamamahala nito.

Partikular na pina­titig­nan ng GGI ang March 6, 2009 decision ni Caloo­can RTC Branch 126 Judge Oscar Bar­rientos na pu­mabor sa petisyon ng Caloocan City Government na kunin nito ang naturang shopping mall.

Subalit binigyan-diin ni Go na nauna rito ay nag­palabas ng injunction order ang Manila RTC no­ong Dis­ yembre 24 ng na­karaang taon na pumipigil sa mga opisyal o sinu­mang kinatawan ng nasabing lokal na pamahalaan na i-take over o ipasara ang Gotesco mall.

Dahil ibinasura ng Ma­nila RTC ang mosyon ng Caloocan City government para ipawalang-say­­­say ang injunction order at hindi rin ito dumulog sa Court of Appeals (CA) na­niniwala si Go na may bisa pa rin ang nasabing kautusan pabor sa kanila.

Habang wala pang desisyon ang CA sa ka­nilang petisyon na nagpa­pawalang-saysay sa de­sisyon ni Barrientos, hini­ling din ng GGI na mag­pa­labas muna ng ‘status quo order’ ang high tribunal. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY GOVERNMENT

CHIEF JUSTICE REY

COURT OF APPEALS

EVER GOTESCO GRAND CEN

GOTESCO INVESTMENT INC

JUDGE OSCAR

PRESIDENT JOSE GO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with