Lisensiya ng inutil na manning agency kanselahin - Noli
MANILA, Philippines - Inutusan ni Vice President at Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers (OFWs) Noli ‘Kabayan’ De Castro ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na kanselahin o suspindihin ang lisensiya ng manning agency na kumuha sa 23 Filipino seaman na hanggang ngayon ay bihag pa rin ng mga Somali pirates.
“I asked POEA Chief Jennifer Manalili to inquire if Sea Cap, Shipping Inc., (local manning agency) and Sagana Shipping Inc (principal) are doing everything to bring our Filipino seamen safely back home. Should such efforts be found insufficient to assure the safety of our OFWs, I want the licenses of these companies revoked,” ani De Castro.
Ang 23 Filipino seafarers ay mga crewmember ng M/T Stolt Strength na nahijack ng Somali pirates nuong November 10, 2008.
Napuna ni De Castro nailigtas na mga ibang manning agencies at kani-kanilang principals ang mga tauhan nito na na-hijack din sa Somalia. Nagtataka tuloy si de Castro kung bakit hindi magawan ng paraan ng M/T Stolt Strength ang kaligtasan ng crewmember nito samantalang sila ang mga isa sa naunang nahayjak ng mga pirata. (Mer Layson)
- Latest
- Trending