^

Bansa

Tatakbo sa 2010 hinamon ni Erap

-

MANILA, Philippines - Hinamon ni dating pangulong Joseph Estra­da ang lahat ng presidential aspirants na pumirma ng waiver at buksan ang kanilang bank accounts bago magsumite ng ka­nilang kandidatura o pu­muwesto sa pamahalaan, upang masiguro na wala silang malaking halaga ng iligal na kayamanan bago ang kanilang termino.

“I challenge all aspirants to open their bank accounts to the public,” ayon pa kay Estrada.

Aksyon ito ng dating pangulo, matapos na ha­munin ni Atty. Nicasio Conti ang lahat ng aspi­rante mula president, senador, congressman at alkalde na pumirma ng waiver na nagpapahin­tulot sa mga independent body na inatasan ng pa­mahalaan na busisiin ang kanilang mga assets at bank accounts bago o matapos makaupo sa kanilang posisyon.

“Anytime I am open,” sabi ni Estrada.

Nilinaw kamakailan ni Conti na sa ilalim ng proposal, ang mga tao na hahawak ng posisyon ay maaring liable sa ka­ragdagang assets ma­ging ito ay sa pananalapi o pagkakaroon ng ba­gong sasakyan at bahay.

Iginiit nito na ang pagsa-submit ng Statement of Assets and Liabilities and Financial Net worth o SALN ay ma­halaga para malaman ang ari-arian ng uupong opisyal na siyang mag­sisilbing batayan kung nagkamal ito ng salapi sa sandaling nakaupo na sa itinalagang posisyon sa gobyerno, bagay na si­nang-ayunan naman ng dating pangulo. (Ricky Tulipat)

AKSYON

ANYTIME I

CONTI

HINAMON

IGINIIT

JOSEPH ESTRA

NICASIO CONTI

RICKY TULIPAT

SHY

STATEMENT OF ASSETS AND LIABILITIES AND FINANCIAL NET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with