^

Bansa

Walang sibakan! - GMA

-

Cebu City , Philippines  - Siniguro kahapon ni Pangulong Arroyo na walang maga­ganap na pagbabawas sa mga kawani ng pama­halaan kahit may krisis.

Sinabi ni Pangulong Arroyo sa kanyang men­sahe sa Kiwanis Club na ginanap sa Waterfront Hotel sa lungsod na ito, walang sinumang emple­yado ng gobyerno ang masisibak sa trabaho dahil sa ipapatupad na rationalization program.

Sa halip anyang mag­bawas ay inatasan na lamang nito ang Budget department na hintayin na lang magretiro ang em­pleyado bago alisin ang kanyang posisyon.

“If an employee occupying a position that has been declared redundant opts to stay in government service, the position shall only be abolished upon the regular retirement of the employee,” dagdag pa ni Mrs. Arroyo.

Ipinaliwanag naman ni Budget Secretary Ro­lando Andaya Jr., kung ang empleyado ng gob­yerno na mayroong redundant position ay pu­wede ring magretiro o kung gusto pa niyang ma­natili sa government service.

Naglaan na ang pa­ma­halaan ng P1 bilyon na appropriations sa 2009 national budget para sa mga nagnanais na ma­agang magretiro sa san­daling ipatupad ang rationalization program kung ang kanyang posisyon ay “redundant”. (Rudy Andal)

vuukle comment

ANDAYA JR.

BUDGET SECRETARY RO

CEBU CITY

IPINALIWANAG

KIWANIS CLUB

MRS. ARROYO

PANGULONG ARROYO

RUDY ANDAL

SHY

WATERFRONT HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with