Open education OK kay Noli

MANILA, Philippines - Nakatanggap ng suporta ang open education at distance learning mula kay Vice President Noli ‘Kabayan’ De Castro.

Sa kanyang talumpati sa 19th founding anniversary ng Polytechnic University of the Philippines Open Education System nuong Sabado, siniguro ni de Castro ang kanyang suporta sa plano ng PUP na bigyan ng higit na prayoridad ang open education at distance learning sa darating na budget cycles. 

Panig siya sa paniwala na dapat bigyan ng dagdag pondo ang mga makabago at alternatibong pamama­raan sa edukasyon. Pinanukala rin ni de Castro sa pa­mantasan na makipag-ugnayan sa iba’t-ibang funding agencies na makakapagbigay ng dagdag tulong para sa faculty development at kumuha ng leksiyon sa mga pinakamagaling na kasanayan sa ibang institusyon.

Show comments