Joey de Venecia III pinuri ni Maceda

MANILA, Philippines - Maaari ng ikon­si­dera bilang unelected public servant si Jose “Joey” De Venecia III dahil sa walang takot nitong “expose” ka­ug­nay sa ma­anomal­yang ZTE-NBN deals.

Ayon kay dating Se­nador Er­ nesto Ma­­ceda, na­kikita nya sa ka­ta­u­han ni Joey ang sarili dahil sa pa­giging Mr. Expose nito noong siya ay senador at senate president.

Isinalba ni Maceda ang bansa sa P15B pag­­kaka­utang ng ibunyag nito ang maanomalyang pro­yekto sa Public Estate Authority-Amari deal at nagresulta ito para maba­sura ang kon­trata sa pagi­tan nito at ng gobyerno. Ang PEA-AMARI ay pina­litan ng Philippine Reclamation Authority.

Sa pagsasalita ni Maceda sa Lakbay Pasa­salamat ni dating pangu­long Joseph Estrada sa Binmaley, Pangasinan, sinabi nito na nakakapag­lingkod si Joey sa mga ma­mamayan dahil sa pag­bu­bunyag nito sa mga anomalya sa gobyerno. (Butch Quejada) 

Show comments