^

Bansa

'Business as usual' sa Ever Gotesco

-

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ng Caloocan City Government na magiging “business as usual” para sa mga stall owner at nangungupahan sa Ever Gotesco Grand Central Mall sa kahabaan ng Rizal Avenue Extension mata­pos nitong siguruhin ang pagkakaroon ng pani­bagong kontrata sa lahat ng mga kasalukuyang negosyo sa napipintong pag-okupa nito sa natu­rang establisyemento.

Binigyang-diin pa rin ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang nauna nitong paha­yag na hindi pababa­yaan ng pamahalaang lungsod ang kapakanan ng may 300 na nangungu­pahan pati na rin ang kanilang mga empleyado.

“Walang dapat ikaba­hala ang mga may pwesto sa naturang mall dahil magkakaroon lamang tayo ng panibagong kontrata sa kanila tulad ng sa mga dating administrador ng mall,” pahayag ng alkalde.

Sinabi pa ni Echiverri na tagumpay ng city government ang naunang de­sisyon ng korte na puma­bor sa pamahalaang lung­sod alinsunod sa seryosong kampanya nitong pataasin ang kolek­siyon ng buwis at habulin ang mga tax evader.

Bukod pa rito, nag­pahayag din ng tiwala si Echiverri na malamang katigan ng Korte Suprema ang city government saka­ling makarating doon ang apela ng Gotesco. (Lor­deth Bonilla)

vuukle comment

BINIGYANG

BONILLA

BUKOD

CALOOCAN CITY GOVERNMENT

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

EVER GOTESCO GRAND CENTRAL MALL

KORTE SUPREMA

RIZAL AVENUE EXTENSION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with