^

Bansa

Bihis ng pulis sa soap opera sisilipin

-

MANILA, Philippines - Sisilipin rin ng Philippine National Police ang mga karakter ng mga pulis sa mga soap opera sa telebisyon at maging sa mga pelikula alinsunod sa Tamang Bihis Program na ipinatutupad ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa.

Ayon kay PNP Directorate for Police Community Relations Chief P/ Director German Doria, makikipag-ugnayan sila sa mga movie producer at sa mga namumuno sa entertainment sa mga television network upang matiyak na naipatutupad nang maayos ang ‘Ta­mang Bihis’‘ sa mga ka­rakter na may kinalaman sa mga pulis.

Sinabi ni Doria na, sa Tamang Bihis Program ni Verzosa, ang mga lehiti­mong pulis lamang ang awtorisadong gumamit ng mga uniporme ng mga pulis at ibinabawal na ito sa mga sibilyan.

Sinabi ni Doria na nais ng PNP na maging sa mga pelikula at soap opera ay magkaroon ng ‘guidance’ ang mga actor at actress buhat sa mga opisyal ng PNP para sa mga karakter na pulis sa kanilang mga gina­gam­panang role o papel.

Sinasabing naapek­tuhan rin ang imahe ng PNP kung saan sa isang palabas ay isang heneral ang ginagampanang pa­pel ng isang aktor na di tinukoy ang pamagat at pangalan ng sikat pa manding action star pero ang sinuot nitong uni­porme ay gamit ng isang may ranggong Colonel pa lamang.

Inihayag ng opisyal na sa mga ganitong pagka­kataon ay pangit umano ang nagiging impresyon nito sa publiko at naka­kababa rin ng moral ng PNP. (Joy Cantos)

AYON

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

DIRECTOR GERMAN DORIA

JOY CANTOS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE COMMUNITY RELATIONS CHIEF

SHY

SINABI

TAMANG BIHIS PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with