Paliwanag ni Neri hiningi

MANILA, Philippines - Hiniling ni Press Secretary Cerge Remonde kay Social Security System Chairman Romulo Neri na ipaliwanag ma­bu­ti sa publiko ang unang paha­yag nito na hindi maa­aring makautang ang mga empleyadong na­tang­gal sa trabaho.

Ipinaalala ni Remon­de kay Neri na ang charter ng SSS ay nakalaang tumulong sa mga emple­yado sa pribadong sek­tor na nawalan ng tra­baho dahil sa financial crisis.

Gayunman, maaari aniya na “misquoted” lang si Neri sa pahayag nito hinggil sa pagpa­pautang ng SSS sa mga nawalan ng trabaho. Sinabi din nito na may bahagi ang pondo ng SSS na magagamit para makatulong sa pag­papalakas ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng krisis pinansiyal. (Rudy Andal)

Show comments