MANILA, Philippines - Alam umano ni dating Pangulong Corazon C. Aquino kung sino ang utak sa pagpatay sa asawa niyang si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr..
Ito ang ibinunyag ni Claro Lat, isa sa pina layang sundalo makaraang masilbihan ang kanilang sentensya sa pagkakasangkot nila sa Aquino-Galman double murder case.
Sinabi ni Lat na ang kopya ng kanilang testimonya kabilang dito ang affidavit ni MSGT. Pablo Martinez ay naipadala nila sa dating Pangulo.
Si Lat at Arnulfo De Mesa ay nananatiling nasa pangangalaga ng Public Attorney’s Office para matignan ang kanilang kalusugan dahil sa sakit nilang enlargement of the heart at diabetes.
Kabilang sila sa naging escort ni dating Senador Aquino bago ito binaril sa Tarmac noong 1983.
Naunang umapela si PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta sa pamilya Aquino na tumulong para makabalik sa bansa si dating Air Force Capt. Felipe Valerio dahil taong 2004 pa pumayag ang Sandigan bayan na mapa-extradite ito.
Sinabi na rin Justice Secretary Raul Gonzalez na si Valerio ang susi para muling mabuksan ang kaso.
Kinumpirma ng Kalihim na inatasan na rin siya ni Pangulong Gloria Arroyo na gumawa ng hakbang upang matukoy ang kinaroroonan ni Valerio at maipatupad ang extradition.
Si Valerio ay naging commercial airline pilot sa Estados Unidos matapos umalis ng bansa noong 1986 at hindi nakasama sa demanda.
Idinagdag ng Kalihim na tila hindi naman interesado si dating Pangulong Aquino na mala man ang tunay na utak sa pagpatay sa asawa nito.
Hindi rin umano naki isa si Ginang Aquino sa dating Agrava Commission na unang nag-imbestiga sa kaso.
Nakatakdang sulatan ni Gonzalez ang Armed Forces of the Philippines upang alamin kung nasaan na ngayon si Valerio at kung ito ay nakapagretiro at nakakuha ng kanyang benepisyo bilang sundalo.
Sinabi pa ng kalihim na, bukod kay Valerio, pinapahanap din si Ro meo Ochoco na dating opisyal ng aviation security command at isa pang babaeng hindi nito matandaan ang pangalan na nasa isang hotel nang ginawa ang pagpupulong ng mga heneral ng AFP isang araw bago pinaslang ang dating senador.