Cocktail ng public servants sa PLM

MANILA, Philippines - Isang ‘cocktail night’ na inihanda ng College of Ma­nage­ment and Entrepreneurship (CME) ng Paman­tasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ang ma­ gaganap ngayong Miyerkules, Marso 18 sa University Activity Center ng PLM Campus, ganap na alas-5 ng hapon.

May temang “Looking ahead on Fulfilling Social Responsibility through Public Servants’ Development’, sinabi ni Dean Eloisa Macalinao ng CME, tampok sa makasaysayang gabing ito ang munting salu-salo ng public servants mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Suportado ang okasyon nina PLM president Atty. Adel Tamano at dating councilor Ernesto Maceda Jr., executive vice-president ng PLM, na kapwa nag­pahayag ng paniniwala na ang wastong pamamahala ang magiging susi sa tagumpay at pag-unlad ng isang bansa.

Show comments