MANILA, Philippines - Hiniling ng N.C. Tavu and Associations Corporation sa Muntinlupa City Regional Trial Court na pigilin ang pamahalaang lunsod ng Muntinlupa sa pagkansela sa build-operate-transfer contract para sa pagtatayo ng P280 milyong elevated multi-link pedesrian walkway para makatawid ang mga pedestrian sa kahabaan ng South Luzon Expressway, Montillano at Alabang-Zapote Roads..
Sinabi ng kumpanya na nilagdaan nito at ni dating Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi ang kontrata noong Disyembre 5, 2006 kaya nananatili itong balido at kailangang ipatupad.
Pinuna ng kumpanya na kinansela ng pamahalaang lunsod ang kontrata makaraang mahalal na bagong alkalde rito si Aldrin San Pedro at sa halip ay pumasok umano ito sa panibagong kontrata sa ibang contractor para sa pagtatayo ng pedestrian overpass sa naturan ding lugar. (Butch Quejada)