^

Bansa

Pulis bawal na mag-text

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Putol na ang kaliga­yahan ng mga opisyal at miyembro ng pulisya na sobrang nahuhumaling sa pagte-text kaugnay ng pakikisakay ng mga ito sa agos ng umuunlad na teknolohiya sa industriya ng cellphone sa bansa.

Ayon kay Police De­puty Directorate for Police Community Relations (DPCR) Chief P/Director German Doria, nagpa­labas na ng direktiba si PNP Chief Director General Jesus Verzosa na nagbabawal sa mga pulis na mag-text sa kani­lang mga cellphones ka­pag nasa oras ng pagpa­patrulya o kaya naman ay naka-duty.

Ipinalabas ni Verzosa ang kautusan matapos na makarating sa kaalaman nito na maraming pulis ang adik hindi sa droga kundi sa pagte-text bilang pamamaraan ng pakiki­pag-komunikasyon na makatitipid pa.

“No more texting while on duty, while they (policemen) are on patrol, we prohibit that.“ ani Doria na siyang instruksyon ni Verzosa sa kapulisan.

Ikinatwiran ni Doria na kung ang isang pulis ay nae-engganyo sa kate-text ay hindi na nito ma­gagampanang mabuti ang tungkulin lalo na at sa uri ng trabaho ng ka­ pu­lisan ay kailangang han­dang umaksyon sa lahat ng oras tulad ng pag­responde sa krimen.

Nabatid pa na marami sa mga himpilan ng pulis­ya ang hindi kaagad na­pagtutuunan ng mga pulis ang mga indibidwal na nagpapa-blotter dahil sobrang abala ang mga ito sa pagte-text sa ka­ni­lang mga asawa, nobya, mga mahal sa buhay atbp.

Ipinaliwanag pa ng opisyal na maari lamang mag-text ang mga pulis kung ito’y may kinalaman sa kanilang trabaho tulad sa Media Relations o yaong mga Public Information Office (PIO) pero dito’y maari ng tumulong ang mga sibilyang em­pleyado ng PNP sa pag­kontak sa mga media kapag may press conferences.

Samantala sa mga sensitibong operasyon hangga’t maari pang gamitin ang mga radio communications ay hindi rin kailangang mag-text pero kung hingin ito ng pagkakataon basta may kinalaman sa trabaho at hindi kung anupaman na simpleng tsikahan la­mang na nakakaabala sa serbisyo publiko ay pu­wedeng magsipag-text ang mga pulis.

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

CHIEF P

DIRECTOR GERMAN DORIA

MEDIA RELATIONS

POLICE COMMUNITY RELATIONS

POLICE DE

PUBLIC INFORMATION OFFICE

SHY

TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with