Oblation run ng APO malisyoso - Obispo
MANILA, Philippines - Itinuturing ni Diocese of Tagbilaran Bishop Leo nardo Medroso na malisyoso at kawalan ng moral ang ginawang “Oblation run” ng Alpha Phi Omega Fraternity sa University belt sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Medroso, hindi tama ang ginawa ng mga estudyante dahil maraming mga inosenteng kabataan ang nakasaksi sa pangyayari na posibleng naka-agaw pansin sa kanilang isipan at makapag-likha ng malisya sa mga nakapanood.
Sinabi ni Medroso na ayaw ng simbahang katolika na malagay sa kahihiyan ang moralidad ng mga kabataan.
Aniya, kung nais ng mga ito na ipaabot ang kanilang hinaing sa pamahalaan maaari naman itong gawin sa maayos na paraan at hindi pagpapakita ng kani lang hubad na katawan.
Sinabi naman ni Lingayen Dagupan Archbishop Oscar Cruz na nais lamang ng mga estudyante na puka win ang atensiyon ng taong bayan kaugnay sa serye ng katiwalian at iba pang mga kaganapan sa bansa.
Gayunman, nilinaw ni Archbishop Cruz na wala pa rin sa lugar ang naturang gawain dahil ipinakita ng mga kabataan ang kanilang hubad na katawan sa mad la. (Doris Franche)
- Latest
- Trending