Prosecutors at hukom na bibitaw sa drug case mag-resign na lang!

MANILA, Philippines - Mag-resign na lang kayo!

Ito ang mariing hamon kahapon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Dionisio Santiago laban sa mga prosecutors at mga hukom na tatangging hu­mawak ng kaso na may kinalaman sa illegal na droga sa bansa.

Ito’y matapos na maka­rating sa kaalaman ni San­tiago ang pag-inhibit nina Judge Evelyn Salao at Danilo Gelvison sa pag­hawak ng kaso ng napa­bilang sa Top 10 na mga notorious drug pusher sa Western Visayas na si John Rey Prevendido na nahuli sa isang motel ma­tapos na mahumaling sa seksing agent ng PDEA.

Sa kabila nito ay pinuri rin ni Santiago ang ginawa ng dalawang hukom dahil tiyak umano na hindi ma­bibigyan ng malisya at maiimpluwensyahan ang kaso.

Kapwa tumanggi ang dalawa na humawak sa kaso dahil sa umano’y may kamag-anak ang mga ito at kakilalang mga mata­taas na opisyal sa PDEA.

Sa kabila nito, sinabi ni Santiago na ang obli­gas­yon ng mga nasa hudika­tura ay ang magprosecute ng kaso na isinasampa ng PDEA.

Aniya, nararapat uma­no ang mga itong maging propesyunal at hawakan ang kaso sa abot ng kani­lang kakayahan upang umi­ral ang batas at kataru­ngan.

Kung hindi umano ito magawa ng mga hukom at piskalya, inirekomenda ni Santiago na lumabas na lamang ang mga ito sa prosekusyon at magtraba­ho na lamang bilang isang abogado. (Joy Cantos)

Show comments