Prosecutors at hukom na bibitaw sa drug case mag-resign na lang!
MANILA, Philippines - Mag-resign na lang kayo!
Ito ang mariing hamon kahapon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Dionisio Santiago laban sa mga prosecutors at mga hukom na tatangging humawak ng kaso na may kinalaman sa illegal na droga sa bansa.
Ito’y matapos na makarating sa kaalaman ni Santiago ang pag-inhibit nina Judge Evelyn Salao at Danilo Gelvison sa paghawak ng kaso ng napabilang sa Top 10 na mga notorious drug pusher sa Western Visayas na si John Rey Prevendido na nahuli sa isang motel matapos na mahumaling sa seksing agent ng PDEA.
Sa kabila nito ay pinuri rin ni Santiago ang ginawa ng dalawang hukom dahil tiyak umano na hindi mabibigyan ng malisya at maiimpluwensyahan ang kaso.
Kapwa tumanggi ang dalawa na humawak sa kaso dahil sa umano’y may kamag-anak ang mga ito at kakilalang mga matataas na opisyal sa PDEA.
Sa kabila nito, sinabi ni Santiago na ang obligasyon ng mga nasa hudikatura ay ang magprosecute ng kaso na isinasampa ng PDEA.
Aniya, nararapat umano ang mga itong maging propesyunal at hawakan ang kaso sa abot ng kanilang kakayahan upang umiral ang batas at katarungan.
Kung hindi umano ito magawa ng mga hukom at piskalya, inirekomenda ni Santiago na lumabas na lamang ang mga ito sa prosekusyon at magtrabaho na lamang bilang isang abogado. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending