'Electric tricycle' naimbento ng Air Force

MANILA, Philippines - Nagpakita nang nata­tanging kahusayan ang Philippine Air Force (PAF) matapos na lumikha ng sariling imbensiyon na tricycle na pinapatakbo sa pamamagitan ng kuryente.

Ayon sa PAF, makaka­tulong ang naimbentong electric tricycle sa kanilang pangangailangan sa trans­portasyon sa loob ng PAF headquarters. Bilang pani­mula ay isinagawa ang road testing sa nasabing sasakyan na kayang mag­karga ng 800 kilos o wa­long (8) pasahero kasama na ang driver nito.

Ayon kay PAF Col. Ro­lando Hautea, commander ng 220th Airlift Wing, ang nasabing electric tricycle ay patatakbuhin sa loob ng Villamor Air Base na mas nakatitipid dahil mag­kokonsumo lamang uma­no ito sa P47.00 ng kur­yente para sa 120 km na walang gamit ng emission o gas.

Nagmula sa idea ni Col. Hautea ang pagtuklas sa electric tricycle kasunod nang patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Sinabi ni Hautea na ang naimbentong tricycle ay puwedeng pamalit sa Isuzu multicab na kasalu­kuyan nilang ginagamit, upang makatipid ng carbon em­ mission at gaso­lina.

Kailangan lamang na mai-charge ng 8-10 oras ang electric tricycle para sa 220 volt outlet. Ang sasak­yan ay gawa sa bakal at fiberglass na may electric motor at pinagagana ng limang (5) cycle batteries na mada­ling mabili sa pamilihan.

Ang nasabing tricyle na may haba na 112 pulgada mula headlight hanggang tail light ay may lawak ng espasyo sa cab nito na 64 pulgada. (Ellen Fernando)

Show comments