^

Bansa

Hukom sibak sa kotong

-

MANILA, Philippines - Sibak sa serbisyo ang isang Hukom mula sa Olongapo matapos umano itong mangotong ng hala­gang P30,000 kapalit ng isang annulment case.

Sa 28-pahinang desis­yon, dinismis ng Supreme Court (SC) en banc si Olongapo Regional Trial Court (RTC ) branch 73 Judge Renato Dilag dahil sa gross misconduct, gross ignorance of the law or procedure at gross negligence and inefficiency.

Si Dilag ang orihinal na may hawak ng kasong rape ni Lance Corporal Daniel Smith at tatlo pang Ameri­ kanong sundalo na nang­gahasa kay Nicole.

Subalit nag-inhibit si Dilag sa kaso dahil isa umano sa kanyang anak ay nagta-trabaho sa law office ng isa sa abogado ng mga Amerikanong sun­dalo.

Bukod kay Dilag, nasi­bak din sa serbisyo si Court Stenographer Con­cepcion Pascua dahil sa graft and corruption.

Bilang parusa sa da­lawa hindi na sila maari pang pu­masok sa anu­mang posis­yon sa gob­yerno at pag­kum­piska sa lahat ng ka­nilang retirement benefits.

Nag-ugat ang kaso mula sa reklamo ni Nilda Vergi­nesa-Suarez at ina­kusahan sina Dilag at Pascua ng pagtanggap ng halagang P30,000 kapalit ng pag-aksyon at pag­pabor nito sa isang annulment case.

Si Pascua ang siya uma­nong kumulekta ng halagang P30,000 na bina­yaran ng magkabilang par­tido.

Dahil sa reklamo kaya nagsagawa ng imbesti­gasyon ang Office of the Court Administrator (OCAD) at nadiskubre ang mga iregularidad sa desisyon ng mga annulment cases na ginawa ng hukom. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

COURT STENOGRAPHER CON

DILAG

GEMMA AMARGO-GARCIA

JUDGE RENATO DILAG

LANCE CORPORAL DANIEL SMITH

NILDA VERGI

OFFICE OF THE COURT ADMINISTRATOR

OLONGAPO REGIONAL TRIAL COURT

PASCUA

SHY

SI DILAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with