MANILA, Philippines - Lumutang na sa huling pagkakataon sa mga mamamahayag ang dalawang empleyado ng Legacy group na pag-aari ni Celso delos Angeles upang pa tunayang ang akusasyong magdadawit na nilustay ng huli ang pondo ng nasabing ahensya.
Sina Carolina Hañola, nasa hustong gulang, chief executive officer at Nannie Santos, current chief finance officer ng Legacy Consolidated Plans Inc., ay nagpasyang magpakita sa mga mamamahayag matapos na isailalim sa protective custody ng Senado.
Sinabi ni Hañola, wala silang ibang gusto kung hindi ang magsabi ng totoo, kahit alam nilang malaki ang posibleng mangyari sa kanilang buhay at pamilya.
Ayon naman kay Santos, sinubukan siyang kumbinsihin ni delos Angeles na mangibang bansa upang huwag nang matanong tungkol sa nangyayaring sigalot sa kanilang kumpanya hingil sa scam.
Iginiit ng dalawa na nagpasya silang magkanlong sa pangangalaga ni Phillip Piccio, pangulo ng PEP coalition para maprotektahan ang kanilang sarili dahil wala na silang ibang alam kung saan pupunta bunga ng pagkaka-alam na may koneksyon sa gobyerno ang kanilang amo.
Nang tanungin ang dalawa kung sinu-sino ang mga malalaking tao sa gobyerno na sangkot sa nasabing anomalya ay tumanggi ang mga ito at sasabihin na lang umano nila ito sa Senado. (Ricky Tulipat)