^

Bansa

Delos Angeles ididiin ng 2 empleyado

-

MANILA, Philippines - Lumutang na sa huling pagkakataon sa mga ma­ma­mahayag ang dala­wang empleyado ng Le­gacy group na pag-aari ni Celso delos Angeles upang pa­ tunayang ang akusasyong magdadawit na nilustay ng huli ang pondo ng nasabing ahensya.

Sina Carolina Hañola, nasa hustong gulang, chief executive officer at Nannie Santos, current chief finance officer ng Legacy Consolidated Plans Inc., ay nag­pasyang magpakita sa mga mama­mahayag mata­pos na isa­ilalim sa protective custody ng Senado.

Sinabi ni Hañola, wala silang ibang gusto kung hindi ang magsabi ng to­too, kahit alam nilang ma­laki ang posibleng mang­yari sa kanilang buhay at pamilya.

Ayon naman kay San­tos, sinubukan siyang kum­binsihin ni delos Angeles na mangibang bansa upang huwag nang mata­nong tungkol sa nangya­yaring sigalot sa kanilang kumpanya hingil sa scam.

Iginiit ng dalawa na nag­pasya silang magkan­long sa pangangalaga ni Phillip Piccio, pangulo ng PEP coalition para mapro­tek­tahan ang kanilang sarili dahil wala na silang ibang alam kung saan pupunta bunga ng pagkaka-alam na may koneksyon sa gob­yerno ang kanilang amo.

Nang tanungin ang da­lawa kung sinu-sino ang mga malalaking tao sa gob­yerno na sangkot sa nasa­bing anomalya ay tu­manggi ang mga ito at sasa­bihin na lang umano nila ito sa Senado. (Ricky Tulipat)

AYON

CELSO

IGINIIT

LEGACY CONSOLIDATED PLANS INC

NANNIE SANTOS

PHILLIP PICCIO

RICKY TULIPAT

SENADO

SHY

SINA CAROLINA HA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with