Muntinlupa mababaon sa utang?

MANILA, Philippines - Posible umanong ma­baon na sa utang at hindi na makaahon pa ang pa­ma­ halaang lungsod ng Muntin­lupa matapos ma­disku­breng nangutang umano si Mayor Aldrin San Pedro ng halagang P2.271 bilyon na ipinampagawa ng city hall nito at iba pang proyekto.

Ayon kay dating Mun­tinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, napilitan siyang kuwestiyunin ang nasa­bing utang dahil na rin sa pa­ ngamba ng mga resi­dente nito na maapek­tuhan ang serbisyo publiko dito.

Bunsod ng utang na ito ay posible din na magtaas ng buwis ang pamaha­laang lungsod upang ma­ka­bayad sa mga bang­kong inutangan nito.

Ang pangungutang umano ni San Pedro ay nagsimula noong 2007 sa bisa na rin ng resolution No.07-008 na ipinasa ng konseho para makautang ng P1.5B sa bangko para ipagawa ang nasunog na City Hall ngunit hindi ito nangyari, bagkus ay ni­repair lamang ang bahagi ng nasunog nito.   (Butch Quejada)

Show comments