Muntinlupa mababaon sa utang?
MANILA, Philippines - Posible umanong mabaon na sa utang at hindi na makaahon pa ang pama halaang lungsod ng Muntinlupa matapos madiskubreng nangutang umano si Mayor Aldrin San Pedro ng halagang P2.271 bilyon na ipinampagawa ng city hall nito at iba pang proyekto.
Ayon kay dating Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, napilitan siyang kuwestiyunin ang nasabing utang dahil na rin sa pa ngamba ng mga residente nito na maapektuhan ang serbisyo publiko dito.
Bunsod ng utang na ito ay posible din na magtaas ng buwis ang pamahalaang lungsod upang makabayad sa mga bangkong inutangan nito.
Ang pangungutang umano ni San Pedro ay nagsimula noong 2007 sa bisa na rin ng resolution No.07-008 na ipinasa ng konseho para makautang ng P1.5B sa bangko para ipagawa ang nasunog na City Hall ngunit hindi ito nangyari, bagkus ay nirepair lamang ang bahagi ng nasunog nito. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending