MANILA, Philippines - Iaapela ni Joey de Ve necia III ang ginawang pagbasura ng Court of Appeals hinggil sa inihain nitong paghingi ng proteksiyon mula sa gobyernong Arroyo.
Ayon kay de Venecia, hindi pa nagagamit ang lahat ng legal na paraan at naniniwala ito na hindi pa tapos ang laban.
Humingi ng proteksyon ang nakababatang de Venecia mula sa korte dahil sa umano’y walang hum pay na pananakot at panggugulo sa kanya ng administrasyong Arroyo kaugnay ng kanyang mga ibinulgar na umano’y anomalyang nakapaloob sa ZTE-national broadband deal.
Maging ang kanyang pribadong pamumuhay umano ay nagulo dahil sa pangha-harass sa kanya, katunayan ang pagwa-wiretap umano sa lahat ng kanyang telepono.
Liban umano sa pagwa-wiretap sa kanyang mga telepono, nakatatanggap din umano sya ng patung-patong na death threats. (Butch Quejada)