^

Bansa

Driver at back rider oobligahing mag-helmet

-

MANILA, Philippines - Bilang hakbang para ipatupad ang ligtas na pagmomotorsiklo sa buong kapuluan, pormal na isi­nulong ni Senador Bong Revilla ang pagpasa ng kanyang Mandatory Helmet Bill na mag-oobliga sa lahat ng mga driver at back rider ng motorsiklo na magsuot ng standard quality helmet.

Sa kanyang sponsorship speech kahapon, pinunto ni Revilla na kahit ang Department of Health (DOH) at ang Asian Deve­lopment Bank ay nagpaha­yag ng pagkabahala para sa pagtaas ng bilang ng mga aksidente sa motor­ siklo sa bansa sa naka­lipas na tatlong taon.

Ayon sa senador, uma­abot sa 3.5 milyon ang re­histradong motorsiklo sa Pilipinas na sumasaklaw sa 45 porsiyento ng lahat ng rehistradong sasakyan sa bansa.

Tinukoy pa ni Revilla ang datos na nakalap ng Traffic Operation Center ng Metro Manila Development Authority (MMDA) mula Enero hanggang Disyem­bre 2008, na nagpapakita na ang motorsiklo ang may pinakamataas na fatality rate sa aksidente sa kal­sada.

Binunyag pa ng mam­babatas na ang Thailand na kalapit-bansa ng Pilipi­nas, ay nagkaroon ng 40 porsiyento pagbaba sa mga head injuries ng mga nagmomotorsiklo at 24 porsiyento pagbaba ng mga motorcyclist deaths matapos na ipinasa sa north-eastern province ng Khon Kaen ang batas hinggil sa obligadong pag­suot ng helmet.

Sa ilalim ng Senate Bill 1863, lahat ng motorcycle riders, driver man o back rider, ay dapat magsusuot ng standard quality helmet, malayo o malapit man ang biyahe, sa anumang oras at uri ng kalsada, Itsa-puwera rito ang mga driver ng tricycle. (Malou Escudero)

ASIAN DEVE

DEPARTMENT OF HEALTH

KHON KAEN

MALOU ESCUDERO

MANDATORY HELMET BILL

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

REVILLA

SENADOR BONG REVILLA

SENATE BILL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with