^

Bansa

Cory vs GMA

- Nina Malou Escudero at Doris Franche -

MANILA, Philippines - “Hindi nakamit ng pamilya Aquino ang tunay na hustisya!”

Ito ang inihayag kaha­pon ng pamilya ni dating pangulong Corazon Aquino matapos na pagkalooban ng pardon ni Pangulong Arroyo ang 10 akusado sa pagpatay sa asawa ng una na si dating Senador Be­nigno “Ninoy” Aquino.

Ayon kay Sen. Benigno Aquino III, tila gumanti lamang si GMA sa kan­yang ina dahil sa pagsama nito sa mga grupong humi­hiling na mapatalsik ang huli sa pagkapangulo.

Aniya, nakakalungkot isipin na hindi nakaligtas sa mga mata ni Mrs. Arroyo na gantihan ang isang taong nagbuwis ng buhay para magkaroon ng demo­krasya ang bansa.

Gayunman, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng anumang ko­mento ang dating pa­ngulong Aquino.

Ikinatuwiran ng Mala­cañang na karapatan ng 10 akusado na mabigyan ng pardon o parole dahil napagserbisyuhan na ng mga ito ang halos 40-taong pagkakakulong na ipina­taw sa kanila ng korte.

Pinaboran din ni Ca­tholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commision on Prison Pastoral Care Executive Secretary Rodolfo Dia­mante ang pagpapalaya sa 10 akusado.

Ayon kay Diamante, sapat na umano ang 26 taong pagkakakulong sa loob ng Maximum Security sa New Bilibid Prison ka­ya’t panahon na upang mabigyan naman ng pag­kakataong makapag­ba­gong buhay ang mga sinin­tensiyahang sundalo.

Bagama’t naiintindihan ni Diamante ang nais ng pamilya Aquino, hindi rin umano makatarungan na manatili ang mga akusado sa NBP gayong wala na­man silang dapat na aminin.

Itinanggi di ni Diamante na may halong pulitika ang pagpapalaya dahil hindi naman agad binigyan ni Mrs. Arroyo ng exe­cutive clemency ang mga ito.

Dapat din umanong ikonsidera ang ipinakitang pag-uugali ng mga aku­sado sa loob ng kulungan.

vuukle comment

AQUINO

AYON

BENIGNO AQUINO

BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES-EPISCOPAL COMMISION

CORAZON AQUINO

MAXIMUM SECURITY

MRS. ARROYO

NEW BILIBID PRISON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with