LTO babalasahin ni Lomibao

MANILA, Philippines - Isang malawakang pagbalasa ang ipatutupad ng Land Transportation Office sa mga tauhan nito sa buong bansa sa mga darating na araw. Ito ang sinabi kahapon ni Land Transportation Office Chief Arturo Lomibao kasabay ng pagsasabing layunin nito na mabigyan ng pagkakataon na mabigyan ng puwesto ang nararapat. Pinag-aaralan na ng ahensya ang pagbalasa na ang prayoridad ay ang paglalagay sa puwesto ng mga kuwalipikado sa posisyon. Ayon kay Lomibao, unti-unti na nitong binubusisi ang gina­ga­wang pagtupad sa tungkulin ng mga opisyal ng ahensiya at kung kailangang ayusin pa nito ang trabaho ay ililipat ito sa ibang puwesto. Anya, ang pagsasagawa ng revamp sa ahensiya ang isang hakbang na kanyang planong ipatupad upang higit na mapahusay ang serbisyo ng ahensiya sa publiko. Nabatid na target ni Lomibao na ipatupad ang balasahan sa mga lalawigan kung saan sinasabing talamak ang kaliwa’t kanang illegal na aktibidades. Gayundin, ilang opisyales ng LTO ang nakatakdang magretiro kaya inaasa­han na magkakaroon ng panibagong posisyon sa ahensya. (Angie dela Cruz)

Show comments