MANILA, Philippines - Iginiit ng Kilusang Mayor Uno na dapat ibigay sa mga manggagawa ang P125 dagdag sahod. Ayon kay KMU Vice-President Nenita Gonzaga, hindi totoo ang pahayag ng mga kompanya na babagsak ang negosyo kung itataas ang sweldo ng mga manggagawa at magiging ugat pa ng mass lay-off. (Angie dela Cruz)