'Exhibitionist' na mga estudyante bubusisiin

MANILA, Philippines - Nais ni Senate Minority Leader Aquilino Pi­mentel Jr. na imbesti­gahan ng Senate Committee on Education kung bakit pinayagan ang pag­takbo ng hubo’t hubad ng mga estud­ yante sa isang lansa­ngan sa Sampaloc, Manila bilang bahagi ng ika-59 anibersaryo ng Alpha Phi Omega fraternity kamakalawa.    

Ayon kay Pimentel, dapat mabigyang-katwi­ran ang nasabing “exhibitionism” ng mga es­tud­yante at kung hindi ito pinayagan at paru­sahan ang mga gumawa nito kabilang na ang mga university authorities.    

Tinawag pa ni Pi­men­tel na “misguided young men” ang mga lalakeng tumakbo nang hubo’t hubad sa harap ng mga estudyante at mga bata na nanood sa kanila. Sinabi ni Pi­men­tel na may mga batas na nilabag ang mga lala­king tumakbo nang hubo’t hubad at hindi nararapat i-display sa mga bata ang ‘private parts” ng sinumang nila­lang.       

Naniniwala si Pimen­tel na may magagalit sa kanya dahil sa pana­wa­gan na patawan ng pa­rusa ang mga miyembro ng APO na tumakbo ng hubo’t hubad. (Malou Escudero)

Show comments