^

Bansa

Certificate of Candidacy para sa 2010 aagahan ng Comelec

-

MANILA, Philippines - Mapapaaga ang deadline ng pagsusumite ng Certificate of Candidacy ng mga kakandidatong politiko sa 2010.

Ayon kay Commission on Election Chairman Jose Melo, posibleng sa Nobyembre 30, 2009 ang deadline para sa filing ng COC o mas maaga pa ng dalawang buwan.

Ito ay upang mabigyan ng sapat na panahon ang Comelec sa pagdedesenyo ng balota para sa automated election.

Tinanggal din ng Comelec ang 3.3 milyong pangalan ng mga botante sa voter’s list nito . Ayon kay Melo, ang mga nasabing tinanggal ay mga botanteng hindi nakaboto sa dalawang magkasunod na election habang ang 150,000 botante ay mga patay na. May ilan naman na nadiskubreng double registrants. Para maiwasan naman aniya ang ganitong sitwasyon ay binigyan nito ng kopya ng national registered voters list ang mga election officers upang matiyak na isang beses lamang ito nagparehistro.

Sa pag-aapply aniya ng pagta-transfer, automatic nang makakansela ang nauna nilang rehistro sa isang lugar.(Doris Franche)

AYON

CERTIFICATE OF CANDIDACY

COMELEC

DORIS FRANCHE

ELECTION CHAIRMAN JOSE MELO

MAPAPAAGA

MELO

NOBYEMBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with