^

Bansa

Mancao pumiyok

- Nina Gemma Garcia, Doris Franche At Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Itinuro na ni dating Philippine National Police Senior Superintendent Cesar Mancao ang utak at iba pang mga sangkot sa pagpaslang sa public relation man na si Salvador Dacer at sa driver nitong si Emma­ nuel Corbito.

Sa isang pulong-bali­taan sa National Press Club, sinabi ng isang Atty. Zenaida Ongkiko na gi­nawa ni Mancao ang pag­tatapat sa isang sinum­paan nitong affidavit.

Si Ongkiko ay aboga­do ng isa sa mga anak ni Da­cer na si Carina na naka­base sa United States. Nagkita sina Carina at Mancao sa isang pagdinig sa extradition treaty hearing laban sa dating pulis sa Fort Lauderdale sa Florida, U.S..

Nilagdaan ni Mancao ang affidavit noong Peb­rero 14, 2009 na, rito, ipi­nagtapat niya ang nala­laman niya sa naturang krimen. Isa si Mancao sa mga suspek dito.

Sa nasabing sworn statement binanggit na umano ni Mancao ang pa­ngalan ng mga per­so­na­lidad na sangkot sa pag­patay pati na ang utak sa krimen.

Tumanggi naman si Ongkiko na sabihin ang iba pang nilalaman ng sinum­paang salaysay ni Man­cao.

Bukod dito, nagbigay na rin ng testimonya si Mancao sa Federal District Court sa Fort Lauderdale na nagsasabing wala na siyang balak kontrahin ang hiling ng gobyerno ng Pilipinas na siya ay ma-extradite mula US pabalik dito sa bansa.

Inaasahan namang makakabalik ng bansa si Mancao sa tatlong ling­go simula ngayon sa­manta­lang posible na­man uma­nong mas ma­agang ma­kauwi ang kasama nito na si dating Sr. Supt. Glenn Dumlao dahil hindi na rin ito tutol sa extradition request ng pamahalaan ng Pilipi­nas.

May 18 ang suspek sa Dacer-Corbito dou­ble murder case at 11 dito ay pa­wang mga dating mi­yem­bro ng binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force na kina­suhan ng Department of Justice noong 2002.

Kabilang sa mga sus­pek sina Mancao, Dumlao, Sr. Supt. Mi­chael Ray Aqui­no, Boy Arnado, Bobby Lan­cauan, Boy Caladuan, Mauro Torres, Mario Sar­miento, William Reed, Ru­perto Nemeno, Thomas Sar­miento at isang Laca­sandile.

Ayon naman sa dating hepe ng PAOCTF na si Panfilo Lacson, mala­kas ang pressure kay Mancao kaya gumawa ito ng ga­noong affidavit.

Ibinintang ni Lacson sa Malacañang ang na­turang pressure at nani­niwala siyang kakalad­karin ang pangalan niya dahil isa siya sa itinu­turing na ka­laban ng pamahalaan.

BOBBY LAN

BOY ARNADO

BOY CALADUAN

DEPARTMENT OF JUSTICE

FEDERAL DISTRICT COURT

FORT LAUDERDALE

GLENN DUMLAO

MANCAO

SHY

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with