ImÂplementing Rules and Regulations para sa job generation visa, inilabas na ng Bureau of Immigration
MANILA, Philippines - Inilabas na ng Bureau of Immigration (BI) ang Im plementing Rules and regulations (IRR) para sa pagbibigay ng indefinite visa sa dayuhang negosyante na nag-eempleyo ng 10 o higit pang Pilipinong manggagawa.
Pinirmahan ni Immigration Commissioner Marcelino Libanan noong Feb. 18 ang memorandum circular na nagtatakda ng mga patakaran at proseso sa pagbibigay ng Special Visa for Employment Generation (SVEG) sa kwalipikadong dayuhang negosyante.
Ayon kay Libanan, ang mga patakaran ay inapru bahan na ni Justice Secretary Raul Gonzalez at magkakabisa sa March 9, o 15 araw pagkatapos ang publication nito sa isang national newspaper.
Ngunit iginiit ni Libanan na ang SVEG, na mabibigyan ng indefinite stay sa Pilipinas ang sinumang magkakaroon nito, ay nasasaklaw pa rin sa mga pagbabawal na itinatakda ng Saligang Batas at mga batas ukol sa foreign investments, equity at capital requirements.
Sa ilalim ng BI memorandum circular, ibibigay ang SVEG sa isang dayuhan na may controlling interest sa isang kompanya na may kinalaman sa negosyo, enterprise o industriya na may 10 full-time at regular Pinoy workers sa Pilipinas.
Batay sa patakaran, ang mga Pinoy workers ay dapat nakaempleyo sa managerial, executive, professional, technical, skilled o unskilled positions. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending