MANILA, Philippines - Nakapili na ang Judicial ang Bar Council (JBC) ng mga ipapalit sa apat na bakanteng puwesto sa Court of Appeals (CA).
Lumalabas na 12 lamang sa 53 aplikante ang nakapasok sa listahan na isusumite sa tanggapan ng Pangulo.
Ang listahan ng JBC nominees ay isusumite kay Pangulong Arroyo upang piliin mismo ng Pangulo ang mga bagong miyembro ng Appellate Court kapalit ng mga nagretirong sina Justices Enrico Lanzanas, Lucenito Tagle, Agustin Dizon at Rodrigo Cosico. (Gemma Amargo-Garcia)