9-milyong Pinoy, high blood
MANILA, Philippines - Siyam na milyong Pinoy na o 21% ng adult population sa bansa ang may high blood o alta-presyon kaya naman ikinagulat ni Sen. Mar Roxas kung bakit hindi kasama sa prayoridad ng Department of Health ang importasyon ng gamot para sa high blood katulad ng Norvasc at iba pang hypertensive medicines.
Ayon kay Roxas, maliwanag na mali ang implementasyon ng Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Act o RA 9502 kaya marami pa ring mga Pinoy ang hindi makayang bumili ng gamot sa kabila ng pagpasa ng nasabing batas.
Ayon kay Roxas, kaya ginawa ang nasabing batas ay upang magkaroon ng mas malaking katungkulan ang gobyerno sa ‘market place’ ng mga pangunahing gamot na kailangan ng mas nakararaming Pinoy.
Sa ilalim ng nasabing batas ang DoH, kabilang na ang PITC at ang Bureau of Food and Drugs, ay pinapayagan na pumasok sa parallel importation ng mga gamot lalo na ang mga branded medicines na ipinagbibili sa napakamahal ang presyo ng mga local branches ng mga multinational drug companies.
Inamin ni Health Undersecretary Alexander Padilla na akala nila ay hindi maaring bumili ng mga branded medicines katulad ng Norvasc ang ahensiya. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending