^

Bansa

Bading, tibo bawal mag-pulis

-

MANILA, Philippines - Bawal ang mga binan­sagang ‘Bebe Gandang Hari“ o yaong mga ba­ding sa pagpasok sa serbisyo ng pambansang pulisya.

“We will not allow any disgraceful act, it’s a prohibition, we don’t recruit gay, men should be men,” ani PNP Directorate for Police Community Relations (DPCR) Chief P/Director German Doria.

“Women should be women,“ ani Doria sa kaso naman ng mga tomboy na posibleng maka­pasok sa serbisyo kaug­nay ng quota na mahigit 7,000 bagong mga pulis na ipinare-recruit ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa sa taong ito.

Sinabi ni Doria na sa pag-aaplay pa lamang sa PNP, ang madedeter­mi­ nang mga bading ay hindi na nila binibigyan ng pra­yoridad gayundin ang mga tomboy.

Sa kaso ng mga tomboy, sinabi ni Doria na sa uri ng hirap na pinagda­raanan lalo na sa field training at klase ng tra­baho bilang mga alagad ng batas ay hindi na nila ang mga ito sinisisi kung bakit nagkaroon ng pag­babago sa kanilang ka­sarian.

Nilinaw ni Doria na kung may bading na na­ka­lusot sa PNP basta nakapasok na sa serbisyo matapos na pumasa sa psychological at neuro test, intelligence quotient (IQ), physical fitness, pagsasanay atbp ay wala ng diskriminasyon laban sa mga ito.

Gayunman, sa kaso ng mga bading at tomboy na nadiskubre na lamang habang nasa serbisyo ang mga ito ay pinag­babawalan na lamang umakto ng malaswa lalo na at nasa duty na naka­uniporme pa.

Aminado naman si Do­ria na may mga opisyal at miyembro ang PNP na mga bading at tomboy pero nang­ yari o di kaya naman ay na­didiskubre lamang ito ha­bang nasa serbisyo na ang mga kinauukulan mata­pos ang mga itong makalu­sot sa mahigpit na pagsusuri sa pag­pasok sa serbisyo ng PNP. (Joy Cantos)

AMINADO

BAWAL

BEBE GANDANG HARI

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

CHIEF P

DIRECTOR GERMAN DORIA

JOY CANTOS

POLICE COMMUNITY RELATIONS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with