BULACAN, Philippines - Tinatayang aabot sa 150 kilong ‘hot meat’ (botyang baboy) na ikakalat sana sa ilang palengke ang nasabat ng pulisya sa Barangay Liciada sa bayan ng Bustos, Bulacan kamakalawa. Sa ulat ni P/Chief Insp. Gerry Andaya, lumilitaw na lulan ng traysikel ang kilu-kilong karne ng baboy na sinasabing double dead meat nang harangin sa PNP checkpoint. Wala naman maipakitang kaukulang papeles ang drayber at pahinante ng kilu-kilong karne ng baboy matapos suriin ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Andaya at Elena Alcantara ng Bustos Agricultural Office. Ipinag-utos namang sunugin ang mga karne ng baboy habang nasa custody naman ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Development ang dalawang menor-de-edad na drayber at pahinante. Boy Cruz