^

Bansa

Summer job sa 2,000 anak ng SSS members iniaalok

-

MANILA, Philippines - Bibigyan ng pansamantalang trabaho ng Social Security System ang nasa 2,000 estudyanteng anak ng mga manggagawang natanggalan ng trabaho upang makatulong sa kanilang pamilya ngayong “summer”.

Sinabi ni SSS President Romulo Neri na pangu­ nahing layunin nito na kahit papaano ay makatulong ang mga anak sa kanilang mga magulang ngayon.

Tatanggap ng “minimum” na suweldo ang mga estudyante sa loob ng dalawang buwan na itatagal ng naturang proyekto.

Kabilang sa mga kuwalipikasyon ang mga estudyanteng may sarili nang SSS account, mga anak o pamangkin ng mga miyembro ng SSS na natanggal sa trabaho, may edad 18-35 anyos, naka-enroll sa alinmang semester ng kasalukuyang school year, at may alam sa operasyon ng computer.

Maaaring makapagsumite ng aplikasyon ang mga interesadong aplikante sa manager’s office ng alinmang sangay ng SSS. Iprisinta ang kanilang birth certificate, balidong school id, medical certificate, at proof of separation mula sa dating employer ng kanilang mga magulang. (Danilo Garcia)

BIBIGYAN

DANILO GARCIA

IPRISINTA

KABILANG

MAAARING

PRESIDENT ROMULO NERI

SINABI

SOCIAL SECURITY SYSTEM

TATANGGAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with