MANILA, Philippines - Pinag-iingat ng Phi lippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang publiko ngayon pagpasok ng “summer” laban sa mga sakit dulot ng napakainit na panahon.
Ayon kay PAGASA Weather Bureau Chief Frisco Nilo, dapat bantayan ang mga sakit na ordinaryong nakukuha sa mainit na panahon partikular na iyong mga sakit sa balat, ubo at pagtatae. Inaasahang mararanasan ang pinakamainit na panahon sa Abril at magtatapos sa kalagitnaan ng Mayo.
“Sa ngayon ay mababa na ang moisture content sa Maynila at kapag nabawasan pa ito ng 50 porsiyento ay mararanasan na ang pinakamaalinsangang panahon,” ayon kay Nilo.
Sa umaga, makaka ranas ng temperaturang 24 degrees celcius-26 degrees celcius habang sa tanghali ay maglalaro ang temperatura sa 37 degrees celcius-38 degrees celcius. Habang sa Baguio City ay 16-18 degrees celcius sa umaga at 22-24degrees celcius sa tanghali ngayon summer. (Doris Franche)