^

Bansa

Malabon, Navotas at Cavite namemeligro: Maraming isla sa Pinas mabubura sa mapa

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Kinumpirma kaha­pon ng Philippine Atmos­ pheric and Geophysical Administration Services na unti-unti na ngayong nararam­daman sa ban­sa ang epekto ng Global War­ming o pagtaas ng tem­peratura ng Daig­dig.

Sa kanyang pag­dalo sa Balitaan sa Ti­napa­yan, sinabi ni Fris­co Nilo, hepe ng Weather Bureau ng PAGASA, na may mga lugar na nga­yon sa Pilipinas ang apektado na ng Global Warming tulad ng Mala­bon, Na­votas, Cavite, ilang ba­hagi sa Visayas at Min­danao. Ang global war­ming o pagtaas ng tem­peratura ng tubig-dagat ay sanhi ng mga naipon na green gases sa himpapawirin ng Mundo.

“Base sa mga im­pormasyong ipinaabot ng mga mismong tao sa lugar, malaki na ang na­sasakop ng tubig-dagat kapag high tide, indikas­yon na mataas na ang temperatura nito at kung magpapa­tuloy ang pag­taas ng tempera­tura, malamang na tuluyan ng lumubog sa tubig ang lugar par­tikular na ang Malabon at Navotas.

Sinabi ni Nilo na ang Pilipinas ay may­roong 7,100 isla at ma­lamang na maraming isla ang tuluyan nang ma­wala sa mapa ng bansa dahil sa global warming.

Hinikayat din ni Nilo ang mamamayan na makiisa sa programa ng gobyerno at maging ng iba pang bansa sa mun­do para mabawasan ang mga greenhouse gases.

Sa katunayan ay inor­ganisa na nila ang Task Force on Climate Change dahil na rin sa direktiba ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na bigyan ng seryo­song pansin ang suli­ranin sa climate change.

CLIMATE CHANGE

GEOPHYSICAL ADMINISTRATION SERVICES

GLOBAL WAR

GLOBAL WARMING

NILO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE ATMOS

PILIPINAS

SHY

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with