MANILA, Philippines - Lumipad kahapon patungong Thailand si Pangu long Gloria Arroyo upang dumalo sa 14th Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit sa nasabing bansa.
Kasamang dadalo ng Pangulo sa nasabing summit ang iba pang Asean leaders. Ang iba pang bansang kasapi ng Asean ay ang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand at Vietnam.
Pagtutuunan ng pansin sa nasabing summit kung paano makaagapay sa global financial crisis ang mga export-dependent economies. Pag-uusapan din ang $120-bilyong emergency fund na inaprubahan ng ASEAN finance noong nakaraang Linggo.
Ngayong araw din inaasahang babalik sa bansa ang Pangulo. (Malou Escudero)