^

Bansa

Bureau of Immigration suportado ang Senate probe sa reklamo ng OFWs

-

Suportado ng Bureau of Immigration (BI) ang pla­ nong imbestigasyon ng Senado ukol sa pagpigil sa pag-alis ng ilang overseas Filipino workers (OFWs) sa Ninoy Aquino International Airport at iba pang pali­paran sa bansa.

Ayon kay BI NAIA head Ferdinand Sampol, ang imbestigasyon ay isang magandang lugar kung saan maaari nilang maipa­liwanag ng malinaw ang dahilan kung bakit pinipigil nila ang pag-alis ng OFWs patungong ibang bansa.

“This investigation is a welcome move by the Senate, considering that this will give us a chance to inform our lawmakers of our operation against human trafficking and illegal recruitment,” wika ni Sampol, na tinutukoy ang plano nila Sens. Manny Villar at Jing­goy Estrada na imbesti­gahan ang pagpigil sa OFWs at iba pang iregu­laridad sa mga paliparan.

Ipinaliwanag ni Sampol na isa sa mga trabaho ng BI ay tiyakin na may ka­ram­ patang dokumento ang mga umaalis na OFWs, tulad ng passport, visa at clearance mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), bago sila payagang bumi­yahe.

Ito ang dahilan kung bakit naglabas si BI Commissioner Marcelino Liba­ nan ng kautusan sa lahat ng immigration officers na tiyakin na lahat ng OFWs na umaalis ng bansa ay may karampatang doku­mento bago paalisin.

Sinabi ni Sampol na pa­tutunayan niya sa nasabing pagdinig na hindi sangkot sa anu­mang illegal na ak­tibidad ang kanyang mga tauhan sa NAIA at iba pang pali­paran tulad ng inaakusa ng ilang OFWs. (Butch Quejada)

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

COMMISSIONER MARCELINO LIBA

FERDINAND SAMPOL

MANNY VILLAR

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

SAMPOL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with