Kumpletong poll automation sa June 2009 kailangan

Kailangan nang ma­kum­pleto ang poll automation sa Hunyo ngayong taon, ayon kay Vice President Noli ‘Kabayan’ de Castro.

Sinuportahan ni de Castro ang pananaw ng Commission on Election (Comelec) chairman Jose Melo na ang full automation ang dapat maisulong sa halip na ang ‘hybrid’ system na kumbinasyon ng manual at automated na pabibilang ng boto.

Sinabi din ni de Castro na kailangang pabilisin ng Comelec ang conversion process at masigurado ang tamang paghahanda para sa automated system ng eleksiyon simula sa pagsasanay ng mga ta­uhan na magpapatakbo ng bagong poll technology. (Doris Franche)

Show comments